Una querida

Una querida

Minahal kita nang higit sa inakala mo. Sa kabila
ng mga pag-iwas at pagiging mailap ko sa mga
panahong inasam mo ang yakap at halik ko. Pero
marahil hindi mo na masyadong binigyang pansin.
Ganito pala maging kabit.

Wala ka nang karapatan umasta na nagmamahal
ka; dahil mas mahalaga ang pag-ibig at pag-abiad
niya sa iba. Sa iba. Kahit alam mo na hindi naman
siya talaga mahal nung unang minahal niya. Tonta.
Ganito pala maging kabit.

Siya ang iyong buhay. Ikaw ang kanyang aliw.
Siya ang iyong pag-ibig habang ikaw; wala. Siya
namang tunay dahil pwede mo naman siyang
mahalin pero hindi ka niya masusuklian. Punyeta.
Ganito pala maging kabit.

Halos mawalan siya ng tulog sa bawat gabing
dumadaan at kapiling niya ang “iba” habang wala
ka namang ibang magawa kung hindi ang mapaisip
na lang. Iba and inaaruga niya at sadyang sampid ka lang.
Ganito pala maging kabit.

Anuman ang mangyari ang lahat ng ito ay nagsimula
sa isang pangarap. Malinaw sa akin na ako ang
tunay na bahagi ng pangarap na iyon subalit hindi
talaga ako ang katuwang niya sa pag-abot noon.
Ganito pala maging kabit.

Matapos lang ang bangungot na ito; matapos lang
ang walang hanggang pagligo sa pawis at papel;
Sa huli ay sa puso ko rin naman ang punta mo.
Kahit ba na thesis ang asawa mo’t kabit lang ako.
Sa ngayon lang ako kabit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s