Panalangin ng Selosa

Panalangin ng Selosa

Aaminin ko sa’yo. Lagi akong nagsasalita
Pero bibihira ko lang sabihin sa’yo ang mga
Sakit na minsan ko lang maramdaman na
Mamaga, magsugat at magdugo. Payo ko
Lang; H’wag mo nang tangkain na saktan
Ako, na halos wala nang ginawa kung hindi
Mag-isip. Iniisip kita. Iniisip ko ang ngayon.

Iniisip ko ang pang-habang buhay na pangako
ng ngayon. Iniisip ko ang bukas kung sisikat pa
Ang araw; kung magkikita pa tayo sa sinumpaan
Nating tagpuan. Iniisip ko kung dapat pa ba
Akong maniwala sa mga salita mo na minsan mo
Nang pinatunayang totoo. Pero nagbabago ang
Tao; pati kulay ng puso nagbabago rin. Ikaw;

Lingid sa kaalaman mo nagbabago ka rin.
Hindi man ang kulay mo, hindi man ang hugis
Ng iyong mukha, ni hindi rin ang iyong pagkatao.
Subalit hindi batid nito na hindi magbabago ang
Iyong pagtingin. Kung kaya’t ikukubli ko na lang
Ang hiling kong hindi magbago ang pag-ibig mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s