Sa’yong paghimbing

Sa’yong paghimbing

May ilang pulgada man ang layo mo,
Puso ko’y hawak mo, hindi man ganap na iyo,
Sumapit ang dilim na wala akong takot.
Dumating ka sa’kin nang walang pag-iimbot.
Tangan ko ang ‘yong katiwasayan
Sa paghimbing mo sa higaan.
Mata mo ang aking minamasdan
Na tila may ibang tinitingnan;
Animo’y panaginip na hindi ko malaman
Kahit na wari ko’y ako ang laman.
Pangako kong sa pagdilat mo’y narito ako.
Hindi lumapit, ni hindi rin lumayo.
Asahan mong ako ri’y nahihimbing
Na ikaw ang katabi’t kapiling.
Aasahan ko ang ‘yong pagngiti
Saan man ang ‘yong mata’y dumampi
Pagkat sa aking pagmanma’t pagbantay
Sa mataimtim na gabing dumaa’y
Ang pag-ibig mong tunay
Ay siya rin kong tapat na kaagapay.
Nawa sa liwanag na araw ang nagbigay
Ay patuloy kong mamalay
Ang iyong pag-ibig at paggabay
Ay manatiling walang humpay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s