Suman

Suman

Kakain na lang ako ng suman,
maaalala pa kita. Magbabalat,
maglalatag sa platong nakaabang
para bang nakakatitig ka. Ngingiti
at magtatakip ng bibig, sabay
kislap ng mata’y ‘di na mapigil.

Kakain na lang ako’t hihirit ka pa.
Sa pagyapak ng asukal sa sumang
nakahimlay; naghihintay mabuhay
ng tamis. H’wag mong subukang
tumingin o’ ako’y pansinin dahil
ang nais ko lang nama’y kumain.

Kakain na lang ako’t maaalala ka
na para bang nasa harap kita.
Mag-iinarte nang kaunti’t mag-aalala
kung talaga nga bang nariyan ka.
Anupa’t bakit hindi kung sintamis ng
suman ko’y ikaw at wala nang iba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s