Bago ka humimbing

Bago ka humimbing

Sabihin mo sa aking nakauwi ka
nang maluwalhati sa santwaryong
tahanan mo. Sabihin mo sa aking
hindi ka pinangalaran ng mga taong
minamahal mo sa ilalim ng bubong
at kadiliman ng gabi. Sabihin mo sa
aking naging magiliw sa’yo ang gabi.
Sabihin mong hangad mong makasama
ako riyan sa’yong tabi; Ngayong gabi

iniisip kita’t wari ko’y ikaw ay namamahinga.
Nakahiga sa malambot na kalawakan
na pinananahanan ng mga tala kapiling
ang sangkadilima’t sangkahamugan ng
gabi. Nais kong samahan ka; hatian ka
sa kapahingaha’t katahimikan. Ngunit
huwag na lamang. Angkinin mo ang dilim,
ang oras habang wala ako. Ako na lang
ang susundo sa’yo sa pagdila’t mo

pagdating ng umaga. ‘Wag kang mabahala.
Ako nang magpapaalalang ako’y sa’yo at akin ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s